Blogroll
Archives
sites
tim
Ambivalence
Posted on
12/18/2016
1. CLOSET GAY - the basic, mga baklang ayaw umamin ng kanilang kabaklaan. Sila ay madalas na pigil at laging pinag-iisipan ang kanilang kilos. Madalas pag nasa maraming tao, kilos lalaki sila pero pag dilim, dun lumalabas ang totoong kulay.
Bukambibig: "Huwag kang maingay, hindi alam ng tatay ko na bakla ako!"
2. SISTER L - baklang lantaran sa kanilang mga kabaklaan. Sila yung mga nagdadamit ng pambabae, nagme-make-up, at yung iba, nagpapa-sex change.
Bukambibig: "Punta tayo sa katabing bar, maraming mga lalaking gwapo dun!"
3. MACHO-CHOPA - baklang hindi mo aakalain dahil mas guwapo at macho pa sa tunay na lalaki. Ito yung mga baklang maskulado, nagdyi-gym madalas upang magpalaki ng katawan. Pero pag kumilos si macho-chopa e halata mo ring charing dahil mahilig magpa-cute sa mga guwapong trainor sa gym.
Bukambibig: "Hi, can I know your number?"
4. MALDITA - baklang nakakaimbiyerna, masyadong nagmamaganda kahit na mukhang pwet ng baso ang mukha. Madalas mataray, parang laging nireregla. Masyado ring insecure ang maldita sa mga magagandang babae.
Bukambibig: "Che! Lumayas ka sa harapan ko. Sinisira mo araw ko! Bruha ka!"
What type of Gay are you?
Posted on
10/14/2011
